Mariing itinanggi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry ang alegasyon ng isang governance watchdog sa Office of the Ombudsman na lumabag siya sa health protocols.
Ito ay matapos igiit ng grupong Pinoy Aksyon na lumabag si Roque sa restrictions nang magkaroon ito ng non-essential travel noong nagpunta ito sa Subic, Zambales noong July 2020, pagpunta nito sa isang event sa Bantayan Island, Cebu noong November 2020, at noong February 2021 sa Boracay kasama ang iba pang opisyal ng Palasyo.
Ayon kay Roque, wala siyang nilabag na protocol o quarantine qualifications.
Hinamon rin niya ang grupo na maghain ng iba pang reklamo pero tiyak niyang agad din itong madidismiss dahil tapos na rin ang imbestigasyon sa Cebu.
Matatandaang maliban kay Roque, ilan din sa mga kinasuhan ng ombudsman ay sina; Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, dating Philippine National Police Chief Debold Sinas, San Juan City Mayor “Francis” Manlapit Zamora at iba pang opisyal ng gobyerno.
Ang nagsampa ng reklamo ay si Pinoy Aksyon convenor Ben Cyrus Ellorin.