Roque,  kinuwestiyon ang PhilHealth sa hindi nito pagsasampa ng kaso laban sa kanilang mga opisyal na sangkot sa ghost dialysis claims

Kinuwestiyon ni Atty. Harry Roque ang kabiguan ng PhilHealth na kasuhan ang mga tauhan nitong sangkot sa ‘ghost dialysis claims’.

Giit ni Roque,  imposibleng walang taga-PhilHealth na sangkot sa naturang katiwalian lalo’t mabilis itong mag-isyu ng payment sa Wellmed.

Kasabay nito, nanawagan siya kay Pangulong Duterte na pabilisin ang proseso para matanggap sa witness protection program ang mga whistleblowers na sina Liezel De Leon at Edwin Roberto.


Si Roque ay isa sa mga abogado nina De Leon at Roberto.

Facebook Comments