Simula ngayong araw si Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na ang mag aanunsyo sa mga napagdesisyunan sa pulong ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Ayon kay Roque hindi nya alam ang naging basehan ng desisyon pero naglabas na ng kautusan si Executive Secretary Salvador Medialdea na ang information sharing ay magmumula na sa Office of the Presidential Spokesperson.
Kung matatandaan araw-araw nagsasagawa ng virtual presscon si IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles pero kahapon at ngayon ay hindi na sya humarap pa sa media para sa update sa pulong sa IATF.
Wala parin namang pahayag hinggil dito si Cabinet Secretary Nograles.
Facebook Comments