Roque, nabiktima ng krimen; humingi ng tulong sa NBI

Humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) si Presidential Spokesperson Harry Roque na magsagawa ng imbestigasyon sa krimeng ginawa laban sa kanya.

Ito ang ibinunyag ni Roque sa Malacañang Virtual Press Briefing kahapon matapos siyang matanong kung bakit kasama niya sa briefing room sina NBI Director Eric Distor at kanyang chief-of-staff na si Ernesto Macabare.

Present din sina NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo at Digital Forensics Chief Christopher Paz.


Tumanggi si Roque na idetalye kung anong krimen ang ginawa sa kanya dahil hindi na ito bahagi ng public interest.

Hindi pa siya tiyak kung maghahain siya ng reklamo.

Matatandaang naging tampulan ng memes si Roque mula sa kanyang mga kritiko sa social media.

Una na niyang sinabi na masaya siya na makapaghatid ng tuwa sa mga tao sa harap ng COVID-19 pandemic.

Siya na mismo ay nakikisakay sa mga memes at gumawa pa ng kanyang mga sariling bersyon ng mga ito.

Facebook Comments