Roque, naka-isolate sa isang two-star hotel sa San Juan

Mariing pinabulaanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga ulat na naka-isolate siya sa isang seven-star presidential suite sa Pasay City matapos magpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Roque, nananatili siya sa isang isolation facility sa Lungsod ng San Juan.

Bagama’t binabayaran ng pamahalaan ang mga accredited quarantine facilities para sa mild at asymptomatic COVID-19 patients, sinabi ni Roque na malabong magbabayad ang pamahalaan sa isang engrandeng hotel.


Iginiit ni Roque na ang mga kinuhang hotel lamang ng pamahalaan bilang quarantine facilities ay nasa 2 o 3-star lamang.

Ang mga pasilidad para sa mild at asymptomatic patients ay iba sa mga hotel kung saan naka-quarantine ang mga returning OFW.

Dahil asymptomatic si Roque, tinanong na niya sa kanyang doktor kung pwedeng mag-quarantine na lamang siya sa kanilang bahay.

Facebook Comments