Roque, nanindigang wala siyang nilabag na health protocols

Handa si Presidential Spokesperson Harry Roque na maparusahan kung may nilabag siyang health protocols.

Ito ang kanyang pahayag matapos sabihin ni Senator Panfilo Lacson na dapat patawan ng sanction siya at si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas kung mapatunayang may nilabag silang patakaran.

Pero iginiit ni Roque na wala siyang nilabag na kahit anong health protocols.


Ang kanyang mga biyahe sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay para sa vaccine rollout at palagi niyang sinisiguro na negatibo ang kanyang swab result.

Facebook Comments