Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ‘in good terms’ sila ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
Ito ay matapos igiit ni Locsin na siya lamang ang pwedeng magsalita para kay Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa foreign affairs.
Bago ito, hinikayat din ni Locsin si Roque na bitawan ang usapin sa West Philippine Sea at ipaubaya na lamang ito sa DFA.
Ayon kay Roque, nakausap na niya ang kalihim patungkol sa isyu at okay lang sila.
Sa isang tweet, sinabi ni Locsin na hindi “laughing stock” ang Pilipinas dahil lamang sa pagkakaiba ng opinyon ng bawat Pilipino sa isyu sa WPS.
“Hindi naman laughingstock kasi alam ng kalaban natin na kung mapikon tayo, World War 3 kaya natin i-trigger. Mag-isip ka lang how easy it is; and how much cooperation we will get from enemy and friend alike. Isip,” sabi ni Locsin.
Kung may iisang boses lamang ang mga Pilipino sa usapin, lumalabas lamang na nasa ilalim ng diktadurya ang bansa.
“Unity is overrated. Supposed we were united, what of it? What counts is law. What happens might be force but what counts is law,” punto ng kalihim.
Matatandaang sinabi ni Roque na hindi bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang Julian Felipe Reef.