Roque, patuloy na magsasalita sa mga isyu sa foreign affairs

24

Nagkasundo sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na patuloy siyang magsasalita patungkol sa mga isyu na may kinalaman sa international law.

Ito ang sinabi ni Roque sa harap ng panawagan ni Locsin an ipaubaya na sa kanya ang mga usapin sa foreign affairs.


Sabi ni Roque, nag-usap na sila ni Locsin at patuloy siyang magbibigay ng pahayag patungkol sa international law.

Naniniwala si Locsin na ang kanyang mga pahayag ay tama at naayon sa polisya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments