Ibinunyag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na plano niyang pumunta ng Bajo de Masinloc at Kalayaan Islands sa West Philippines Sea (WPS) para alamin kung talagang pinagbabawalan ang mga Pilipino na makapangisda roon.
Ito ay kasunod ng mga ulat na may ilang barko ng China na hinaharangan ang mga Pilipinong mangingisda na makapasok sa nasabing lugar.
Sinabi ni Roque na nais niyang magtungo sa mga nabanggit na lugar bago pa man naghamon ang fisherfolk organization na Pamalakaya na samahan ang mga mangingisdang Pilipino na pumunta roon.
Inatasan din niya ang kaniyang undersecretary na ayusin ang logistics ng kaniyang biyahe.
Umaasa si Roque na mangyayari ito bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.
Facebook Comments