Roque, tumangging ilabas ang COVID-19 test result

Tumanggi si Presidential Spokesperson Harry Roque na isapubliko ang resulta ng kanyang COVID-19 test.

Giit ni Roque, ang pagkakaroon ng coronavirus disease ay hindi isang “badge of honor.”

Aniya, bahagi ng kanyang right to privacy na huwag isiwalat ang resulta ng kanyang test.


Muli ring nilinaw ni Roque na naka-isolate siya sa isang two-star hotel sa San Juan City at hindi sa magarbong 5-star hotel sa Pasay.

Umaasa si Roque na makakadalo na siya ng personal sa mga susunod na meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal.

Facebook Comments