Roque, umaasang hahabol sa paghahain ng COC ngayong araw si Davao City Mayor Sara Duterte

777

Patuloy na umaasa si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na maghahain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay Roque, hindi niya batid kung siya pa ang presidential spokesperson sa Lunes dahil una na nitong sinabi na maghahain siya ng kaniyang COC kung maghahain si Mayor Sara Duterte ng kandidatura sa pagka-pangulo.


Sinabi ni Roque na nagdadasal pa rin siya at umaasa na matutuloy sa paghahain ng kandidatura si Inday Sara ngayong huling araw ng filing ng COC.

Sa huli sinabi ni Roque na paalam, pero kung hindi matutuloy si Inday Sara ay sinabi din nitong “see you again on Monday.”

Sakaling matuloy, tatakbo si Roque sa pagka senador sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Facebook Comments