Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sirain ang Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na dating pinamumunuan ng kaniyang dating kaklase sa law na si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III.
Matatandaang sinabi ni Roque na babalik sa pagiging “jeepney” ang partido kapag inalis nila si Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairman ng partido.
Paglilinaw ni Roque, na hindi niya nilalait ang ruling party at magkaibigan sila ni Pimentel.
Sinabi rin ni Roque na suportado niya ang namayapang tatay ng senador na si Aquilino “Nene” Pimentel Jr. nang tumakbo siya sa pagkabise presidente noong 1992.
Sinabi rin ni Roque na kinikilala ni Pangulong Duterte na ang PDP-Laban ay pagmamay-ari ng pamilya Pimentel.
Si Roque ay “card-carrying member” ng People’s Reform Party mula noong 2019 na itinatag ni dating senator Miriam Defensor Santiago.
Ang nakatatandang Pimentel ang co-founder ng PDP-Laban noong dekada ’80.