Matagumpay ang isinagawang Rotation and Resupply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang Philippine Coast Guard sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, nakalapit ang M/V Lapu-Lapu sa BRP Sierra at naihatid ang supplies para sa mga sundalo.
Patuloy namang tinitiyak ng Sandatahang Lakas ang kanilang suporta sa mga sundalong naka-destino hindi lang sa BRP Sierra Madre kundi pati na rin sa iba pang islang inookupa ng bansa sa WPS.
Maalalang sa pinakahuling monitoring ng Philippine Navy, halos palibutan ng mga barko ng China ang Ayungin.
Sa kabila nito, nanindigan ang AFP sa pagpapanatili ng kanilang presensiya sa Ayungin Shoal.
Facebook Comments