ROS, napigilan ang pagpasok ng Hotshots sa finals ng PBA Philippine Cup

Hinadlangan ng Rain or Shine Elasto Painters ang pagpasok ng Magnolia Hotshots sa finals ng PBA Philippine Cup.

Sa iskor na 91-81, naidala pa ng ROS ang laban sa game 7, tabla sa 3-3 sa semifinal series.

Kumamada si Rey Nambatac ng 16 na puntos at nagpakawala ng apat na tres-puntos sa huling kwarter.


Nag-ambag din si James Yap ng 16 points at Beau Belga ng 15 na puntos.

Magaganap ang game 7 bukas sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Facebook Comments