ROS, pasok na sa semifinals ng PBA

Pasok na rin ang Rain or Shine Elasto Painters sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup matapos talunin ang Blackwater Elite sa iskor 85-83.

Bumida sa panalo ng Rain or Shine (ROS) si Rey Nambatac na nagtala ng 21 points habang nag-ambag ng 15 points si Javee Mocon habang ang kanilang import na si Carl Montgomery ay mayroong 14 points at 10 points naman kay Beau Belga.

Ayon kay Nambatac – kailangan na nilang ibuhos ang kanilang lakas dahil ito na lamang ang kanilang tiyansa para makalapit sa inaasam kampeonato.


Bukas na ang game one ng best of five semifinals sa pagitan ng ROS at San Miguel Beermen.

Facebook Comments