RoSa tandem, inilunsad sa ilang parte ng Mindanao

Inilunsad ng tatlong politiko ang kandidatura nina presidential candidate Vice President Leni Robredo at vice president bet Davao City Mayor Sara Duterte o RoSa movement.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco na sina Robredo at Duterte ang pinakamahuhusay na tao na mamumuno sa Pilipinas.

Aniya, naging mahusay rin ang dalawang lider pagdating sa pagtugon sa pandemya at sa panahon ng krisis.


Kwalipikado rin aniya ang mga ito na paunlarin ang bansa lalo na ang kahirapan.

Ang RoSa movement ay inilunsad sa Cagayan de Oro City, Zamboanga City, General Santos, Panabo, Butuan, at Cotabato.

Facebook Comments