Napanatili ng Bagyong Rosal ang lakas habang patuloy na kumikilos pa-hilagang kanluran ng bansa.
Ayon sa PAGASA-DOST, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 505 kilometro silangan ng Tuguegarao City.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na nasa 70 kilometro kada oras.
Mabagal ang pagkilos nito na nasa labinglimang kilometro kada oras patungong northeastward ng bansa.
Inaasang lalakas pa ang Bagyong Rosal at magiging isang tropical storm sa susunod na 24 na oras.
Wala namang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal warning sa anumang bahagi ng Pilipinas.
Facebook Comments