Rosario Maclang General Bautista Hospital sa QC, puno na ng COVID-19 patients

Inihayag ng pamunuan ng Rosario Maclang General Bautista Hospital na puno na ng COVID-19 patients ang naturang hospital sa Batasan Road, Quezon City.

Sa kanilang inilabas na abiso, hanggang kahapon nasa full capacity na ang COVID-19 ward, RQF at pop-up tents habang may mga pasyente pang naghihintay ng admission sa Emergency Room (ER).

Hiningi na rin ng ospital ang kooperasyon ng taumbayan para mapigilan ang mabilis na pagdami ng COVID-19 cases sa pamamagitan ng pagsunod sa health and safety protocols.


Para naman sa iba pang lubhang nangangailangan ng medical attention, ikunsidera muna ang pagpunta sa ibang healthcare institutions upang mabigyang kalinga ang medical na pangangailangan.

Facebook Comments