ROSARY RALLY AND CANDLE LIGHTING CEREMONY SA DAGUPAN CITY, KASADO NA SA PAKIKIISA LABAN KORAPSYON

Kaisa ang lungsod ng Dagupan sa bawat mamamayang Pilipinong na patuloy na ipinagsisigawan ang laban sa korapsyon matapos maisiwalat ang isyu sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
Alinsunod dito, kasado ang isang Rosary Rally and Candle Lighting Ceremony sa darating na September 21, 2025 na gaganapin sa St. John Cathedral School, Archbishops House at sa simbahan mismo.

 

Sa pangunguna ng Dagupan Metropolitan Cathedral of St. John the Evangelist bilang pagtugon na rin sa nauna nang inihayag ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa kanyang Pastoral Letter na ‘Kulang pa ang Tama Na’.

Ikinatuwa naman ito ng ilang mga Dagupeños at ipinahayag ang paninindigan na dapat magkaroon ng pananagutan ang mga taong sangkot sa korapsyon at katiwalian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments