Rosaryo at iba pang religious items, pwede na! – LTFRB

Manila, Philippines – Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi ipinagbabawal ang paglagay ng rosaryo at ibang religious items sa line-of-sight ng driver.
Ito’y matapos umani ng kalituhan sa mga motorista ang ipinatupad Na Anti-Distracted Driving Law.
Ayon kay LTFRB Board Member, Atty. Aileen Lizada – hindi naman nila ipinagbabawal ang pagsabit ng rosaryo.

Sa ilalim ng joint administrative order, pasok sa reckless driving ang pagme-make up at pag-inom ng kape habang nagmamaneho.

Paliwanag ni Lizada – kung inaantok, pwedeng itabi ang mga sasakyan sa ligtas na lugar saka uminom ng kape o matulog ng sandali.


Mga tauhan pa rin ng LTFRB at Land Transportation Office (LTO) at PNP Highway Patrol Group ang huhuli sa mga lalabag sa nasabing batas.
Habang ang mga tauhan ng MMDA ang tagakalap ng ebidensya.
Samantala, nakatakdang plantsahin ngayong araw ang isang draft circular na maglilimita sa mga karatulang pwedeng isabit sa windshield ng mga sasakyan.

DZXL558

Facebook Comments