Naka-stand by na ang 44 na miyembrong ahensya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC kaugnay ng inaasahang pananalasa ng bagyong Rosita.
Ayon kay NDRRMC Spokesman Director Edgar Posadas, kabilang sa mga nakahanda sakaling kailanganin ang ayuda ano mang oras ay ang AFP at PNP.
Kasabay nito, tiniyak ni Posadas na naka-red alert na rin ang kanilang mga OCD officer partikular sa Region 1.
Sabi ni Posadas, regular silang magbibigay ng update kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa galaw at epekto ng bagyo.
Ipina-utos rin aniya ng Pangulo ang mabilis na tulong mga maaapektuhan ng kalamidad.
Facebook Comments