#ROSITAPH | Isabela, nagpatupad na rin ng force evacuation

Patuloy ang force evacuation ng lokal na pamahalan ng Isabela sa mga residente sa lalawigan kung saan inaasahang tatama ang sentro ng bagyong Rosita.

Ayon kay Assistant Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Basilio Dumlao, nasa 807 pamilya o katumbas ng 2,920 indibidwal na nananatili ngayon sa mga evacuation center habang ang iba ay nanunuluyan sa mga kanilang kaanak sa matataas na lugar.

Nagpadala na rin aniya ng composite team ang Philippine Army, PNP, rescue teams, mga BFP sa Isabela para tumulong sa pagpapatupad ng pre-emptive evacuation sa mga maaaring maapektuhan ng bagyo.


Sabi pa ni Dumlao, nasa 1,500 food packs ang naipamahagi na ng provincial social welfare development office.

Facebook Comments