#ROSITAPH | Mahigit 10,000 indibidwal, lumikas

Agad na lumikas ang mahigit sampung libong indibidwal o halos tatlong libong pamilya sa mga lugar na nanalasa ang bagyong Rosita.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang mga indibidwal na lumikas ay naitala sa mga lugar sa Region 1 partikular sa La Union, Region 2 partikular sa Cagayan at Isabela, sa Region 3 sa Aurora at sa Cordillera Administrative Region (CAR) partikular sa Benguet.

Ang mga ito ay pansamantalang tumutuloy ngayon sa 67 mga evacuation centers sa apat na rehiyon.


Tiniyak naman ng NDRRMC na patuloy ang kanilang monitoring sa kanilang DRRMC sa apat na rehiyon upang agad na maibigay ang mga pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyong Rosita.

May sapat din aniyang pondo para ayuda sa mga maapektuhan ng bagyo.

Sa ngayon mayroon mahigit isang bilyong piso ang DSWD para sa mga family food packs, food at nonfood items at para sa quick response funds.

Facebook Comments