#ROSITAPH | Mahigit 11,000 indibidwal apektado ng pananalasa ng bagyong Rosita

Sumampa na sa mahigit apat na libong pamilya o katumbas ng mahigit 11,000 indibidwal na naapektuhan ng bagyong Rosita sa apat na rehiyon sa bansa.

Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang mga apektadong pamilya ay naitala sa Regions 1, 2, 3 at CAR.

Pinakaraming apektadong pamilya ay sa Region 3 na umabot sa 2,442.


Mahigit tatlong libo sa mga pamilyang ito ay tumutuloy ngayon sa mahigit 200 mga evacuation centers.

Sa ngayon may kabuuang 376, 330 na mga family food packs at mahigit 78,000 na mga food at nonfood items ang DSWD na ngayon ipinapamigay na sa mga apektadong pamilya.

Nagpapatuloy naman ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na sinalanta ng bagyo at makumpirma ang mga naitalang casualties.

Facebook Comments