#ROSITAPH | NDRRMC, pinulong na ang iba’t-ibang ahensya bilang paghahanda sa bagyong Rosita

Nakipag-pulong na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan bilang paghahanda sa bagyong Rosita.

Sa pre-disaster risk assessment meeting, nagbabala ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa posibilidad ng mga landslide sa ilang bahagi ng silangang bahagi ng Northern Luzon.

Tiniyak naman ng DSWD na may nakahanda silang sapat na mga pagkain at pondo para sa mga maaapektuhan ng bagyo.


Nagtabi na rin ng mga gamot ang DOH habang tiniyak ng PNP, AFP, BFP at PCG na nakahanda nang i-deploy ang kanilang mga response assets.

Kasama rin sa dumalo pulong ang DILG, NEDA, DepEd at DICT.

Facebook Comments