Nag-landfall na ang typhoon Rosita sa Dinapigue, Isabela.
Humina ang lakas ng hangin nito sa 150 kilometers per hour at may pagbugsong nasa 210 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 kph.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – direktang dadaanan nito ang Isabela, Cagayan, Aurora, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan.
Nakataas ang tropical cyclone warning signals sa sumusunod:
Signal number 3
Isabela
Quirino
Northern Aurora
Nueva Vizcaya
Ifugao
Benguet
La Union
Ilocos Sur
Mountain Province
Pangasinan
Signal number 2
Cagayan
Ilocos Norte
Apayao
Abra
Kalinga
Tarlac
Nueva Ecija
Northern Quezon including Polillo Island
Southern Aurora
Zambales
Pampanga
Bulacan
Signal number 1
Batanes
Babuyan Group of Islands
Rizal
Metro Manila
Laguna
Batangas
Bataan
Cavite
Nakakaranas na ng malalakas na ulan ang silangang bahagi ng Northern at Central Luzon.
Pinag-iingat din ang mga residente sa baybayin ng Isabela, Cagayan, Aurora, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Pangasinan sa storm surge o daluyong.
Mapanganib ding maglayag sa baybayin na nasailalim ng warning signals, eastern at western seaboards ng Southern Luzon.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng gabi, October 31.