Tuesday, April 14, 2026

Rotation at heat breaks sa mga pulis, ipinag-utos ng PNP Chief

Inatasan ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mahigpit na pagpapatupad ng rotation at heat breaks para sa mga pulis sa gitna ng matinding init ng panahon.

Ayon sa PNP Chief, layunin nitong maprotektahan ang mga tauhang naka-deploy sa labas laban sa mataas na temperatura.

Batay sa PAGASA, nasa mapanganib na antas na ang heat index sa ilang lugar dulot ng matinding init.

Dahil dito, pinaalalahanan ang mga pulis na uminom ng sapat na tubig at maging alerto sa mga senyales ng pagkahapo.

Tiniyak din ng PNP ang paglalaan ng pondo para sa mga kinakailangang protective equipment ng kanilang mga tauhan.

Facebook Comments