Rotation at Resupply mission ng AFP sa BRP Sierra Madre ngayong araw, matagumpay

Naging matagumpay ang rotation and resupply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ngayong Biyernes.

Ito ay sa kabila ng presensya ng ilang mga barko ng China sa loob ng West Philippine Sea.

Kahapon nang sabihin ng tagapagsalita ng Philippine Navy na aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ikatlong yugto ng modernisasyon ng militar.


Ibig sabihin, inihahanda na rin ang pagbili ng kauna-unahang submarine ng Pilipinas na layong magamit para sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa lalo na sa pinag-aagawang teritoryo.

Sa ngayon, patuloy ang pag-angkin ng China sa ilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Facebook Comments