Rotational brownout sa Luzon kasama ang Metro Manila, asahan na – DOE

Nag-abiso ng rotational brownout ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa ilang bahagi ng Luzon.

Ito ay dahil sa sunod-sunod na pagsasailalim sa yellow at red alert ng Luzon grid.

Apektado ng rotational brownout ang mga sumusunod na lalawigan:


– Ilocos Norte

– Zambales

– Quezon

– Camarines Sur

at maging ang ilang bahagi ng Metro Manila

Sa interview ng RMN-DZXL – sinabi ni Department of Energy Officer-in-Charge Director Mario Marasigan, na nananatili pa ring mataas ang demand sa kuryente dahil pa rin sa epekto ng El Niño.

Samantala, muling isasailalim sa yellow at red alert ang Luzon grid dahil sa manipis pa ring reserba ng kuryente.

Ilalagay sa yellow alert ang Luzon grid mamayang alas-kwatro ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi.

Habang iiral ang red alert mamayang alas-una hanggang alas-kwatro ng hapon.

Payo ng NGCP sa publiko, magtipid-tipid muna sa paggamit ng kuryente.

Facebook Comments