Inaasahang hindi na magkakaroon ng mga rotational brownouts ngayong pumasok na ang panahon ng tag-ulan.
Ito ang sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga sa interview ng RMN Manila kung saan mas hihina umano ang konsumo sa kuryente.
Paliwanag ni Zaldarriaga, malaki ang tulong ng pag-ulan lalo na’t hindi gaano kalakasan ang demand kumpara kapag panahon ng tag-init.
Samantala, sakaling magkaroon ng pagtaas ng singil sa kuryente sa susunod na buwan dahil sa epekto ng pagsasailalim sa red alert ng Luzon grid ay naniniwala si Zaldarriaga na magiging mababa lamang ito.
Facebook Comments