Rotational schedule ng mga empleyado, ipapatupad ng MRT-3

Magpapatupad ng rotational schedule sa mga empleyado nito ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT).

Ito ay oras na magbalik-operasyon muli ang MRT-3 matapos na pansamantalang suspendihin ang mga biyahe nito dahil sa pagtaas ng bilang ng mga tauhan nito na tinamaan ng COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni MRT-3 Director for Operations Engr. Michael Capati na layon ng rotational schedule na mabawasan ang exposure ng kanilang mga empleyado sa posibleng banta ng sakit.


Hinimok din ng opisyal ang mga pasahero ng MRT na magbayad ng eksaktong pamasahe para maiwasan ang direct contact sa pagitan nila at ng mga ticket seller.

Samantala, nasa 150 bus units ang idineploy ng road sector sa EDSA para magsakay ng mga pasaherong apektado ng operation shutdown ng MRT-3.

Magtatagal ang tigil-operasyon sa July 11, 2020 o hanggang sa magkaroon ng sapat na bilang ng tauhan para matakbuhin ang linya ng tren.

Facebook Comments