Rotational water interruption ng Maynilad, pinalawig pa hanggang Nobyembre 29

Matatagalan pa bago bumalik sa normal ang suplay ng tubig sa mga customers na siniserbisyuhan ng Maynilad.

Ito ay dahil pinalawig pa ng nasabing water concessionaire ang umiiral na rotational water interruption sa malaking bahagi ng Metro Manila at karatig probinsya na kanilang siniserbisyuhan.

Base sa public statement ng kompanya, hindi pa rin daw tapos ang paglilinis sa natitirang isang sedimentation basin ng La Mesa Dam Treatment Plant na naapektuhan ng mga nakaraang bagyo.


Aminado ang Maynilad, hindi nila natupad ang pangakong hanggang November 24, 2020 na paglilinis sa mga putik na dala ng Bagyong Ulysses.

Posibleng abutin pa ng hanggang limang araw mula ngayon ang paglilinis sa treatment facility bago tuluyang maibalik ang normal service sa mga customers.

Pero dahil isang sedimentation basin na lang ang hindi operational, nabawasan na rin ang mga lugar na nakakaranas ng water interruption.

Facebook Comments