ROTC Director ng ISU Cauayan, Pabor sa Mandatory ROTC!

*Cauayan City, Isabela- *Pabor si Ginoong Wayne Sabado, ang Director ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ng Isabela State University- Cauayan Campus sa mandatory ROTC para sa mga mag-aaral ng Senior High School sa Lungsod.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Director Sabado, ito ay upang maipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng ROTC dahil itinuturo rito ang disiplina at pagtulong sa bayan.

Aminado si Sabado na hindi madali ang sumailalim sa pagsasanay ng ROTC dahil bukod sa marami kang pagdadaanang training ay dapat nakatuon din ang iyong puso na dapat makatulong sa komunidad.


Dagdag pa nito, isa rin itong hakbang ng gobyerno upang makatulong at maiwasan ang panghihikayat ng mga makakaliwang grupo sa mga estudyante.

Nagpaalala naman si Sabado sa mga mag-aaral na ang pagsasailalim sa ROTC Training ay magandang hakbang upang maproteksyunan din ang sarili maging ang ating sariling bayan.

Facebook Comments