ROUND TRIP | Eroplanong papuntang Japan, bumalik dahil sa naligaw na pasahero

Panghimagas – Idinaan na lang sa live-tweet ni supermodel at TV personality na si Krissy Teigen ang weird na pangyayari sa kanilang commercial flight na papunta sanang Tokyo, Japan.

Imbes kasi na nasa Japan na sila ay bumalik pa muli ito sa Los Angeles Airport dahil sa naliligaw nilang pasahero.

Apat na oras nang nasa himpapawid ang commercial flight ng All Nippon Airways Flight 175 na may lulan na 226 na pasahero bago nadiskubre na mayroon pala silang pasaherong naligaw.


Dahil dito, nagpasya ang piloto na ibalik ang eroplano sa Los Angeles bilang bahagi ng security protocol sa kabila ng katotohanang nasa ibabaw na ito ng Pacific Ocean.

Instant famous naman si Krissy Teigen na kasama ang asawang si John Legend sa flight dahil sa mga nakakatuwang tweet nito na may thread na pinamagatang “flight to nowhere” ng kanyang 9.2 million followers.

Facebook Comments