Natuwa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ipinakitang interes ng mga business leader’s ng Indonesia sa ekonomiya ng Pilipinas.
Sinabi ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, matapos ang isinagawang roundtable discussion na dinaluhan nina Pangulong Marcos Jr., kasama ang mga negosyante sa Indonesia at isinagawa sa Bogor Presidential Palace kahapon.
Aniya, maraming deals o kasunduan na pre-signed o una nang nalagdaan, ang itinurn-over sa roundtable discussion na sinaksihan nina Pangulong Marcos Jr.
Sinabi ng kalihim na masaya ang pangulo sa kinalabasan ng pulong na ito, lalo’t layunin naman talaga ng Marcos Administration ang patuloy na recovery ng ekonomiya ng Pilipinas mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ang mga business deals o kasunduan na iprinisinta sa business meeting ay mayroong kinalaman sa linya ng enerhiya, transportasyon, agrikultura at defense.