Iniulat ng Department of Transportation (DOTr) na naging matagumpay ang unang bahagi ng konsolidasyon ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi DOTr Secretary Jaime Bautista na umabot na sa 86% ang completion rate hanggang nitong December 31, 2024.
Ipinaliwanag ni Bautista na ang susunod namang bahagi ng programa ay ang Route Rationalization, na naglalayong tukuyin ang aniya’y mga “sustainable at profitable” na ruta para sa mga pampublikong sasakyan.
Makikipag-ugnayan aniya sila sa mga local government units (LGUs) para matukoy ang mga rutang ito.
Kapag na-identify na, sinabi ni Bautista na i-re-require naman nila ang mga operator na mag-modernize.
Sa kasalukuyan, nasa 20% pa lamang ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP) ang natatapos sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga LGUs.
Paliwanag ng kalihim, mahalaga ang LPTRP upang tiyakin ang viability ng mga ruta at magsilbing batayan ng financing para sa modernong sasakyan.