Routine at catch-up immunization activities sa mga bata, inutos ng IATF sa mga LGU

Inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng catch-up immunization at community-based Measles-Rubella and Tetanus-Diphtheria (MR-Td) immunization activities sa kanilang mga lugar.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kabilang sa mga dapat makibahagi ay ang mga kabataang edad 2 taong gulang, 6-7 years old, at 12- 13 years old na exempted sa umiiral na community quarantine restrictions.

Hinihikayat din ng IATF ang mga LGU na madaliin ang pagsasagawa ng catch-up immunization at community-based MR-Td immunization.


Ito ay sa pamamagitan ng pagtatalaga sa araw ng Miyerkules para sa child vaccination at paglilipat ng mga healthcare workers mula sa COVID-19 vaccination site.

Facebook Comments