Routine scientific mission ng BFAR sa WPS, magpapatuloy sa kabila ng pagiging agresibo ng China

Magpapatuloy pa rin ang routine scientific mission ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa kabila ng ginawang harassment ng Chinese Coast Guard noong May 21 sa BRP Datu Sanday habang nasa gitna ng humanitarian mission.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera na walang gagawing pagbabago ang BFAR sa paggampan nito sa kanilang mandato sa West Philippine Sea.

Ayon kay Briguera, mahalaga ang mga pananaliksik na ginagawa nila sa mga karagatan ng bansa, para matukoy ang kasalukuyang estado ng likas na yaman ng mga ito.

Hindi aniya magpapasindak ang pamahalaan, kahit pa sa gitna ng pagiging agresibo ng China.

Facebook Comments