“ROUTINE TEST MESSAGE” | Estados Unidos, nabiktima ng fake tsunami alert

World – Nag-panic ang mga residente malapit sa Carribbean at sa East at Gulf Coast ng Estados Unidos matapos silang makatanggap ng pekeng tsunami alert.

Paliwanag ng National Weather Service (NWS), nagsasagawa sila ng “routine test message” nang aksidenteng maipadala ang alerto sa mga smartphone user.

Agad din namang nakapagpadala ng mensahe ng paglilinaw ang NWS at sinabing bahagi lang ng testing sa pagpapakalat ng tsunami information ang nangyari.


Kaya sabi ng NWS, walang dapat ipag-alala ang mga residenteng napadalhan ng maling tsunami alert.

Facebook Comments