Patuloy pa rin ang isinasagawang Roving Operations sa mga pasyalan sa Lungsod ng Alaminos.
Ang naturang operasyon ay alinsunod at bahagi ng programang Oplan Bagong Taon ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos kung saan pinangunahan ito ng mga matataas na opisyal ng lungsod, katuwang ang ahensya sa LGU, gaya na lamang ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) maging ang mga kapulisan.
Layunin ng programang ito na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga bisitang dumarayo gayundin ang mga Alaminians.
Bukod sa roving operations, naka-standby din ang Aid Stations sakaling may mangailangan ng agarang lunas.
Nagpaalala ang mga awtoridad na maging maingat sa lahat ng pagkakataon at sumunod pa rin sa safety health protocols upang ma enjoy ang pagbisita sa pasyalan. |ifmnews
Facebook Comments