Roxanne Barcelo, ikinasal na

Double celebration ang nangyari sa singer/actress na si Roxanne Barcelo matapos nitong kumpirmahin na siya ay ikinasal na.

Kahapon, araw ng Pasko, ay nag-post ito ng larawan na kayakap ang asawa habang nakasuot ng wedding gown.

Samantala, masayang ibinahagi rin ng actress na si Glaiza de Castro na ito ay engaged na sa Irish boyfriend nitong si David Rainey.


Binati naman ng kapwa artista nito gaya nina Iza Calzado, Bea Binene, Jolina Magdangal, Jasmin Curtis Smith, Solenn Heussaff, Yeng Constantino at maraming iba pa.

Facebook Comments