Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na pansamantalang isasara sa mga motorista ang Roxas Boulevard sa June 12.
Layon nito na bigyang-daan ang mga aktibidad para sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Partikular na isasara ang kahabaan ng Roxas Blvd., mula TM Kalaw hanggang P. Burgos magkabilang panig, mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga para sa flag raising ceremony.
Pansamantala ring isasara ang Katigbak Parkway, South Rd., at Independence Rd. mula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-10:00 ng gabi para bigyang-daan ang isang civic military parade.
Ang mga apektadong cargo truck na papunta sa North Harbor ay pinapayuhan na dumaan mula sa South Luzon Expressway (SLEX) diretso sa Osmeña Highway, kanan sa Quirino Avenue, diretso sa Nagtahan St., papunta sa Lacson Avenue, kaliwa sa Yuseco St., at diretso sa Capulong St. kaliwa sa R-10 hanggang sa kanilang destinasyon.
Ang mga truck naman na magmumula sa Parañaque area ay kailangang kumanan sa Quirino Avenue hanggang Nagtahan derecho ng Lacson Ave.
Ang mga papunta naman sa timog ay maaaring gumamit ng parehong ruta.
Magde-deploy ang MMDA ng traffic enforcers na tutulong sa pamamahala sa trapiko at magde-deploy rin ng mga tow truck at ambulansya.