Bininyagan na ng Archbishop of Centerbury ang 2 buwang gulang na panganay ni Prince Harry at Meghan, Duke and Duchess of Sussex, sa isang pribadong seremonya nitong Sabado, July 6.
Isinagawa ang binyag ni Archie Harrison Mountbatten-Windsor sa harap ng ilang malalapit na kaibigan at kaanak sa isang pribadong chapel sa Windsor Castle nitong Sabado.
Nagtipon-tipon ang royal family liban kay Queen Elizabeth II dahil umano sa naunang commitment.
Isinunod sa royal tradition ang seremonya kung saan galing sa Jordan River ang tubig na ibinuhos sa ulo ni baby Archie.
Suot naman ni Archie ang handmade replica ng royal christening robe na ginawa ng dressmaker to the Queen para sa panganay ni Queen Victoria, at iba pang dumaang royal babies sa loob ng 11 taon.
Walang press coverage at masa sa araw ng binyag at tanging ang fashion photographer na si Chris Allerton–wedding photographer din ng royal couple–ang kumuha ng mga larawan.
Narito ang mga naunang larawang inilabas ng royal family, kuha sa binyag ni baby Archie: