Royal baby nina Prince Harry at Meghan, ipinakilala na

Ipinakilala na sa publiko ang royal baby ng Duke at Duchess of Sussex na sina Prince Harry at Meghan.

Sa pamamagitan ng official Instagram account ng royal couple, inilabas ang unang larawan ng sanggol kasabay ng paglantad ng kanyang pangalan.

Pinangalan ang royal baby na si Archie Harrison Mountbatten-Windsor.


Bagamat hindi isinunod sa British royal traditional name, ang “Archie” ay maikling version ng Archibald na ang ibig sabihin ay kilala at matapang habang ang ibig sabihin ng “Harrison” ay son of Harry.

Sa nasabing larawan, makikita ang pagtatagpo ni Queen Elizabeth II sa kanyang apo, kasama ang asawang si Prince Philip, sina Prince Harry, Meghan at ang kanyang ina na si Doria Ragland.

Facebook Comments