Royal Canadian Navy, nasa Pilipinas para sa isang Goodwill Visit

Nakadaong ngayon sa Manila South Harbour ang His Majesty’s Canadian Ship Ottawa o HMCS Ottawa ng Royal Canadian Navy.

Ang nasabing Royal Canadian Navy ay magsasagawa ng goodwill visit sa Pilipinas kung saan ipinagpapatuloy ng bansang Canada ang kanilang commitment, at patuloy na makipag-ugnayan sa rehiyon sa ilalim ng Indio-Pacific Strategy.

Nagsasagawa ng ilang programa ang HMCS Ottawa kasama ang Philippine Navy para sa ilang professional development, training opportunities, community outreach, at may basketball at ice hockey games din.


Ayon kay Canada’s Ambassador to the Philippines David Hartman, na ang bansang Canada at Pilipinas ay may parehas na interes sa hangaring panatilihin ang bukas at malayang ugnayan sa Indo-Pacific.

Isa ang HMCS Ottawa na mayroong most advanced warship designs sa buong mundo.

Ito ay may state of the art extensive submarine at anti-surface warfare weapons and sensors at may air detachment, na pinatatakbo ng cyclone maritime helicopter.

Huling bumisita sa Pilipinas ang HMCS Ottawa noong taong 2023 sa Subic Bay Zambales.

Mananatili ang HMCS Ottawa ng Royal Canadian Navy sa Manila South Harbour hanggang bukas, Pebrero 11.

Facebook Comments