ROYAL WEDDING | Prince William, tatayo bilang best man sa kasal nina Prince Harry at Meghan Markle

Cambridge – Inanunsiyo ngayon ng Kensington Palace na tatayo bilang best man si Prince William sa kasal ng kaniyang kapatid na si Prince Harry sa aktres na si Meghan Markle.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng Kensington Palace na itinuturing daw na isang malaking karangalan para kay Prince William na kunin siya bilang best man ng kaniyang kapatid na si Prince Harry.

Matatandaan na naging best man din ni Prince William si Prince Harry nang ikasal siya noon kay Kate Middleton noong April 2011.


Unang inanunsiyo ng Kensington Palace na napili nina Prince Harry at Meghan Markle na kakanta sa kanilang kasal ang choir of St. George’s Chapel na nabuo mula pa noong 1348.

Habang kinuha rin ni Meghan ang hairstylist na si Amal Clooney na asawa naman ni George Clooney.

Facebook Comments