RPDO-ARMM, nagsagawa ng communication planning workshop!

Lumahok ang information officers ng iba’t-ibang regional line agencies sa communications planning workshop, ito ay upang makapag-develop ng communications strategy para sa ARMM Regional Development Plan 2017-2022.
Ang aktibidad ay naglalayong makapaglikha ng communications strategy objectives at key messages na makakatulong sa promosyon at ikakatagumpay ng implimentasyon ng ARMM-RDP.
Ang ARMM-RDP ay five-year medium-term plan ay nagsisilbing blueprint para sa implementation ng regional priorities bilang suporta sa pagkamit ng ARMMBisyon 2040, na kumakatawan sa mga pinag-isang vision at aspirations ng Bangsamoro.
Nagbalangkas ang ARMM ng long-term vision na naglalaman ng AmBisyon Natin 2040 ng NEDA.
Inorganisa ng Regional Planning and Development Office (RPDO-ARMM) ang aktibidad na sinuportahan naman ng World Bank.

Facebook Comments