RPMC, bumalangkas na ng protocol para sa flood control project review

Bumabalangkas na ng protocol ang Regional Project Monitoring Committee (RPMC) para sa flood control project review alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa post- State of the Nation Address (SONA) discussion, sinabi ni DepDev Usec. Rosemarie Edillon, kasama sa paghahanda ng RPMC ang pagbuo ng mga kinatawan mula sa piling ahensya ng pamahalaan at ng private sector.

Matagal na aniyang tungkulin ng RPMC ang pagmo-monitor ng mga proyekto sa iba’t ibang rehiyon, ngunit dahil sa dami ng mga ito, nagkakaroon ng prioritization sa mga nasusuri.

Gayunpaman, sinabi ni Edillon na ipa-prioritize ng RPMC ang listahan ng flood control projects na isusumite ng Department of Public Works and Highways

Habang hinihintay naman ang listahang ito, inihahanda ng RPMC ang protocol para maging patas ang review process.

Facebook Comments