Pormal nang inumpisahan ang isa sa pinakamalaking aktibidad ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education ang 2023 Regional Schools Press Conference simula kahapon, June 15 hanggang June 17 sa kasalukuyang taon.
Tinatayang nasa higit dalawang libong mga campus journalist ang kalahok sa naturang press conference at silang magrerepresenta sa labing-apat na Schools Division Office sa buong Rehiyon Uno.
Sa kauna unahang pagkakataon din ay naganap ang Mr. and Ms. RSPC 2023, gayundin ang pagkilala sa Most Outstanding Campus Journalist and Most Outstanding School Paper Adviser for RSPC 2023!
Sa bawat kategorya ng mga writing competition, sa magkaibang medium na English at Filipino ay itatanghal ang 1st place na silang sasabak sa National Schools Press Conference na gaganapin naman sa Cagayan de Oro sa buwan ng Hulyo.
Target naman mga SDO sa Rehiyon Uno na manguna ngayong taon sa kompetisyong makakasama ang buong Rehiyon sa bansa kaya’t alinsunod dito ay magkakaroon muli ng trainings para sa mga tatanghaling campus journalists bago isasabak sa NSPC 2023. |ifmnews
Facebook Comments