LINGAYEN, PANGASINAN – Hindi na requirement para sa mga fully vaccinated individuals ang RT-PCR test result ang pagpasok sa Pangasinan, base ito sa travel guidelines na inilabas ng Pangasinan Police Provincial Office.
Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office Information Officer PLTCOL. Ferdinand de Asis, ang hindi pagpipresenta ng negatibong swab test ay para lamang sa mga fully vaccinated na.
Dagdag nito, para sa mga APORS o Authorized Persons Outside Residence naman ay kinakailangang magpakita ng S-PASS, Valid ID, at Travel Order Appointment o anumang katibayan ng lugar na kanyang pupuntahan.
Kung FULLY Vaccinated individual na Non-APOR ay kailangang ipakita ang S-PASS TPP, Vaccination Card at Valid ID.
Para sa mga Non-APORs na HINDI PA BAKUNADO naman ay kailangang i-presenta ang Valid ID, RT-PCR o Antigen Test valid ng tatlong araw bago ang mismong pagbabiyahe at dapat nakareshistro sa S-PASS na aprubado ng LGU na kanilang pupuntahan.
Para sa mga dadaan lamang sa lalawigan ng Pangasinan patungo sa ibang probinsiya ay kailangang i-presenta ang S-PASS at Valid ID na nakalagay ang tirahan at lugar na pupuntahan.
Samantala, para naman sa mga turista, mangyari lamang magparehistro sa tarana.ph, bookings sa lugar na pupuntahan at Valid ID.###